Shoutout sa mga nagsasawa na… 6 TIPS PARA MAGING PRODUCTIVE, EVERYDAY!

ITAAS ang kamay ng mga beshy natin diyan na may New Year’s Resolution na mas magiging productive ngayong taon. Kumusta na kayo? Productive na ba? Ha-ha-ha! Kung hindi pa, don’t worry dahil dehins pa late para tuparin ang resolution na ito. Kaya naman mga bro at sis, narito na ang 6 tips para maging productive, araw-araw:
1. PLAN OUT YOUR TO DO’S AHEAD OF TIME. Ipinapayo ng mga eksperto ang pagpaplano ng mga dapat gawin sa loob ng isang linggo. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung anong araw ka magpo-focus sa partikular na gawain, gayundin na mapa-prioritize mo ang mga bagay na dapat mong unahin.
2. KEEP A CALENDAR. Ang paggamit ng kalendaryo ang pinakamagandang paraan para ma-monitor mo ang mga dapat mong gawin. Pero, tandaan mo na hindi ito ang ‘magic’ na tatapos sa mga gawain mo, besh, pero, makatutulong ito para ma-organize mo ang dapat mong gawin sa bawat araw.
3. TAKE BREAKS. Hindi porke ‘productive’, eh, uubusin mo ang isang araw sa katatrabaho. Tandaan mo, tao ka at hindi robot kaya kung sa tingin mo na kailangan mo ng magpahinga, go lang, besh! Basta pagkatapos ng break, babalik ka sa trabaho at kapag napagod ka, magpahinga ka ulit. Okie?
4. KNOW WHEN TO SAY “NO”. Bago tumanggap ng gawain, mabuting itsek muna ang iyong to do list. Kung mukhang hindi na keri, say ‘no’ na, beshy! Hindi masamang tumanggi dahil isa itong paraan ng pagiging honest na hindi kaya ng iyong schedule na magkaroon pa ng karagdagang trabaho. Marami pa namang next time, kaya oks lang ‘yun!
5. TAKE CARE OF YOURSELF. Kahit gaano ka ka-busy, make sure na mayroon kang “me time”. Hindi kailangang maging bongga, lodi! Oks na ‘yung magkaroon ka ng sapat na tulog, pagkain sa tamang oras at iba pa. Nakatutulong ito upang ma-boost ang iyong productivity. Wow!
6. FOCUS ON ONE THING AT A TIME. Yes, besh! Ang paggawa ng iba’t ibang bagay sa isang oras ay hindi nakatutulong dahil hindi mo naibibigay ang buong atensiyon mo sa mga bagay na dapat mong pagtuunan ng pansin. Hindi naman paunahan ang pagiging productive, kaya take your time. Ang importante, may nagawa ka sa isang araw.
Tandaan, applicable rin ang mga ito sa mga beshy natin diyan na estudyante, employed, self-employed at iba pa. Sana ay nakatulong ang tips na ito para sa inyong #roadtoproductivity, naks! Have a productive day, beshy!





Comments