Pulis binentahan | 4 TIKLO SA SHABU

APAT katao kabilang ang dalawang hinihinalang tulak ng droga ang arestado sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon Police Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Glenn de Guzman, 25, ng Bgy. Tonsuya; Macrin Corpuz, 29, ng Bgy. San Agustin; Joey Ventura, 34, ng Bgy. Niugan at Alejandro Bitamor, 32, ng Bgy. San Agustin.
Ayon kay PSI Johnny Baltan, ala-1:30 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Insp. Rolando Domingo ang buy-bust operation kontra kina De Guzman at Corpuz sa Bgy. Longos matapos ang surveillance operation sa mga ito.
Isa sa mga operatiba na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makipagtransaksiyon sa mga suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalagang P300 at nang magkaabutan ay agad nagbigay ng go-signal ang pulis sa kanyang mga kasama.
Agad namang sumugod ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek at narekober sa mga ito ang 10 sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
Ani PO2 Jerry Basungit, kasamang inaresto ng mga operatiba sina Ventura at Bitamor matapos makuhanan ng apat na sachets ng hinihinalang shabu.





Comments