Patay sa tigdas, 300 na

UMAKYAT na sa mahigit 300 ang bilang ng mga naitalang nasawi dahil sa tigdas.
Sa datos ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH), mula Enero 1 hanggang Marso 14, 2019, nasa 315 pasyente na ang namatay dahil sa tigdas habang 21,396 kaso ng sakit ang kanilang naitala. Mas mataas ito sa 4,417 kaso ng sakit at 43 patay na naitala ng DOH sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Ayon sa DOH, pinakamaraming naitalang kaso ng tigdas ang Region 4A o Calabarzon Region na umabot sa 4,401 kaso at 87 deaths kasunod ang National Capital Region (NCR) na may 4,266 kaso at 85 measles death at pangatlo ang Region 3 o Central Luzon na 3,409 kaso at 52 pasyenteng namatay sa sakit.





Comments