Kotse sumalpok sa trak, 3 dedbol

DEDO ang tatlo katao habang nasa kritikal ang apat na iba pa na pawang magkakamag-anak makaraan sumalpok sa oil tanker truck sa bahagi ng Roman Expressway sa Bgy. Calaylayan, Abucay, Bataan.
Ayon kay Police Senior Inspector Jen Cruz, dead-on-the-spot sina Ronnie Benavidez, 52; Bianca Mendoza, 30, at Annalyn Benavidez, 48.
Nasa Intensive Care Unit (ICU) naman sa Bataan General Hospital sanhi ng matinding tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Romeo Mendoza, 70; Carlyn Mendoza, 10; Roxanne Benavidez, 21, at ang dalawang taong gulang na si Renz Balladors, pawang mga naninirahan sa Bgy. Landing, Limay, Bataan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:20 ng hapon nang maganap ang insidente habang binabagtas ng mga biktima na sakay sa bagong biling Mitsubishi Mirage ang Roman Expressway.
Kahit alanganin umano ay pinilit ng driver na si Romeo na mag-overtake sa truck na nasa kanilang harapan subalit, hindi na nakabalik pa sa tamang linya ang kanilang sasakyan at dito tuluyang dumiretso sa kabilang kalsada at sumalpok sa kasalubong na oil tanker truck.
Pansamantala munang isinailalim sa kustodiya ang driver ng oil tanker habang iniimbestigahan pa ang insidente.





Comments