Kaya never na raw babalik… JOHN LLOYD, AYAW NA GALING SA SHOWBIZ ANG IPAMBUBUHAY SA PAMILYA
- BULGAR

- Mar 21, 2019
- 1 min read

IT has been two decades since John Lloyd Cruz and Kaye Abad were once linked together. Pero sa presscon ng teleseryeng Nang Ngumiti ang Langit, ‘di maiwasang pag-usapan ang kanilang nakaraan ni Lloydie at ang kanilang teen-age love life.
If we recall it right, Lloydie did really fall for the young and beautiful Kaye. At such a tender age, dinadalaw niya pa ito sa Cavite at dala-dala ang regalong “tweety bird” na usung-uso pa nu’ng mga panahong ‘yun.
Naging mas close sila nu’ng gawin nila ang Tabing Ilog. It was teen-age love at hindi na namin alam kung bakit nagkahiwalay sila.
Perhaps, it was fame and fortune on the part of Lloydie. Sumikat kasi ito at medyo napag-iwanan si Kaye.
In the course of their journey, ayan, JLC was linked to several ladies at si Kaye naman, sa iba-iba ring guys.
Pero sinasabi nila na ang first love raw never dies. Nu’ng mag-asawa at nagkaanak si Kaye, sumunod din si JLC. Nagkaanak sila ni Ellen Adarna pero wala pa ring kasalang nagaganap hanggang ngayon.
Though parehong nakatira sa Cebu sina Kaye at Lloydie, amazing na kahit minsan ay ‘di nagkrus ang kanilang landas. Iniiwasan ba nila ang isa’t isa o sadyang itinadhana na hindi na sila magkita?
Kaye is back in showbiz pagkatapos magpakasal at magkaanak. Si JLC naman, tuluyan nang tinalikuran ang mundong nagpasikat sa kanya.
Sabi ni Kaye, the way she knew John Lloyd, mas gugustuhin daw nitong mag-ipon before he settles down at hindi kita sa showbiz ang ipambubuhay nito sa pamilya.





Comments