top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Jinggoy at Napoles, namu-murong maabsuwelto sa Pork Barrel Scam, hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 21, 2019
  • 2 min read

PILIPINAS, “MOST DANGEROUS COUNTRY” SA BUONG MUNDO—Sa lahat ng bansa sa buong mundo, Pilipinas ang panghuli sa listahan ng pinakaligtas na bansa.

Sa inilabas na report ng Global Finance Magazine (GFMag) na nakabase sa New York City sa Amerika, Pilipinas ang masasabing “pinakadelikadong bansa” sa buong mundo. Nanguna bilang “safest country” ang Iceland at panghuli naman sa rank na 128 ang Pilipinas.

Ngayon lang nangyari, sa panahon ni P-Duterte na tila Pilipinas ang “most dangerous country” sa buong mundo, hu-hu-hu!

◘◘◘

WALA NANG NFA RICE, WALANG TUBIG, WALA PANG KURYENTE?—Mula noong nakaraang Lunes (Marso 18), nawalan na ng supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Luzon at ayon sa Meralco, tatagal daw hanggang Marso 24 (Linggo) ang power interruption sa rehiyong ito dahil sa ginagawa nilang pagsasaayos sa mga poste ng kuryente.

Hay naku, ‘anyare sa Pilipinas ngayon panahon ni P-Duterte, wala nang NFA rice, nawalan din nang tubig tapos wala pang kuryente? Saklap!

◘◘◘

JINGGOY AT NAPOLES, MAAABSUWELTO NA?—Nagkaroon ng tsansa sina ex-Sen. Jinggoy Estrada at Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles na maabsuwelto sa kasong plunder matapos silang payagan ng Sandiganbayan na magsumite ng “demurrer of evidence” na makapagkukum­binse sa mga hukom na sila ay hindi mga plunderer.

Kaya kapag sina Jinggoy at Napoles ay sabay na inabsuwelto ng Sandiganbayan, ibig sabihin, boladas lang sa publiko ang madalas sabihin ni P-Duterte na siya ay anti-corrupt, boom!

◘◘◘

BENTAHAN NG SHABU, LAGANAP NA NAMAN SA PUWESTO NG MGA VK NI ‘RICO’ SA BATANGAS CITY—Lumaganap na naman daw ang bentahan ng shabu sa puwesto ng mga video karera ni “Rico” sa iba’t ibang barangay sa Batangas City.

O, ano, Mayor Beverly Dimacuha at Col. Sancho Celedio, “nganga” na lang ba kayo sa shabuhan sa VK ni “Rico”? Aba, aksiyon na dali!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page