top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

For sure. marami sa atin ang mangangailangan nito... GINTO NA KERING MAKATANGGAL NG PIMPLES, PATOK!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 21, 2019
  • 2 min read

SIGURADONG may mga beshy ta­yong literal na si­nubukan na ang lahat para mawala ang kanilang acne — ‘yung tipong butas na ang bulsa sa kabibili ng skin care products. Hu-hu-hu! Kasabay ng pag-level-up ng tek­nolohiya, level-up na rin ang paraan ng paggamot sa problema sa balat, partikular sa taghi­yawat. Knows ba ninyo na ang ginto ay kering makapag­tanggal ng acne? Wow, sosyal!

Sa makabagong pana­hon, ilang dermatologists na ang gumagamit ng gold par­ticles bilang pantanggal ng adult acne.

Ilang eksperto rin ang naniniwala na ang pagga­mit nito ay posibleng ma­ging kapalit ng mga gamot na ini­inom natin, partiku­lar na ang antibiotics bilang pan­tang­gal ng mga taghi­ya­wat.

Ayon sa mga eksperto, 80 porsiyento ng tao ang may­roong taghiyawat, par­ti­kular sa mukha, dibdib at likod.

Gayunman, 5 porsi­yen­­to nito ay kababaihan ha­bang 1 porsiyento ay ka­lala­kihang nasa edad 25. Ito ay sanhi ng pagbara ng oil sa pores na may kasa­mang im­peksiyon ng cuti­bacterium acnes bacte­rium.

Ayon sa mga eksperto, ang antibiotic ay may ka­ka­yahang patayin ang mga bakteryang nagdudulot ng spots habang ang isotre­tinoin o roaccutane ay uma­­atake sa oil glands para ma­bawasan ang oil production.

Bagama’t, epektibo ang ganitong uri ng ga­mot, ayon sa mga eksper­to, mayroon din itong ne­ga­tibong long-term effects tulad ng birth defect.

Ang mahabang pana­hon na pag-inom ng anti­biotic ay nakadaragdag sa antibiotic resistance.

Bagama’t, roaccutane ang nagiging ‘last resort’ upang labanan ang acne, hindi umano basta-bas­tang pinapayagan ang in­dibidwal na uminom nito dahil kaila­ngang magsa­gawa muna ng blood tests upang makasi­guro na hin­di maaapektuhan ang kan­yang atay.

Samantala, sa pag-aaral na ipinrisinta sa American Society for Der­natologic Sur­gery confe­rence, ang pag­gamit ng gold particles sa treatment ay nagdulot ng 79% ng positibong pagba­bago sa loob ng anim na bu­wang pagsasagawa nito.

Gayunman, upang ga­win ang treatment, ang li­quid na mayroong gold micro­particles ay kaila­ngan ipahid sa mukha at ima­sahe.

Dahil masyadong ma­liit ang microparticle, may kaka­yahan itong pumasok sa po­res papuntang oil glands.

Ang pigment ng par­ticle ang nagsisilbing target ng laser.

Kapag natamaan ito ng laser, ang gold ay umiinit at ito ang nama­mahala sa con­trolled burn, gayundin upang masunog ang oil glands para mag-shrivel ito at hindi na ma­kapag-pro­duce ng oil.

Ayon sa mga eksperto, mas ligtas ang pamama­raang ito kumpara sa pag-inom ng antibiotic sa loob ng ma­habang pana­hon.

Ibang-iba na talaga ang kayang gawin ng mga da­lubhasa ngayon, lodi!

Kaya kung medyo may bud­­get ka na, make sure na ma­ita-try mo ito, ha?

Have a clear and glo­wing skin, beshy!

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page