top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

FEU MAKAKADEPENSA BA NG KORONA SA UAAP ‘81 STREETDANCE COMPETITION?

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2019
1 min read

TIYAK na mapapaindak ang lahat ng manonood sa UAAP Season ‘81 Streetdance Competition sa Sabado (Marso 23) sa husay sa pagsasayaw ng mga pambato ng walong unibersidad sa liga ng 2 pm mula sa Araneta Coliseum.

Susubukan ng defending champion na Dance Company Street Alliance ng Far Eastern University (FEU) na manaig uli laban sa La Salle Dance Company – Street ng DLSU at UP Streetdance, na nasungkit ang first at second runner-up noong nakaraang taon.

Makakaharap pa nila ang mga kapwa nila mananayaw tulad ng Adamson Cast (Adamson); NU Underdawgz (NU); Company of Ateneo Dancers (ADMU); UST Prime (UST); at UE Street Warriors (UE) na isasaere ng live ng S+A. Idaraos din ang kauna-unahang UAAP-JBL Freestyle Showdown, na paglalabanan ng mga napiling indibidwal na kinatawan ng mga eskwelahan.

Samantala, sa Juniors Division na nagsimula lang sa patimpalak noong nakaraang taon, dedepensahan ng UST Galvanize ang korona kontra sa ibang mananayaw sa high school mula sa FEU Baby Tamaraws Dance Company at UE Street Varsity team, na nanalo bilang mga runner-up noong 2018. Lalaban din ang Adamson Cauldron Dance Company (AdU); NU-Nazareth School Underdawgz (NU); Zobel Dance Company (DLSZ); at UPIS BLK (UPIS). (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page