top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Binatang dehins sure kung liligawan ang babaeng gusto rin ng kanyang kaibigan

ROMA AMOR
Mar 21, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Paolo, 22 years old at college student. May babae akong natiti­pu­han sa school namin, si Rea. Pero, nagdadala­wang-isip akong ligawan siya dahil nakuwento ng kaibigan ko na niligawan daw niya si Rea noong high school sila, pero hindi siya sinagot. Sa tingin mo, Roma, okay lang kaya na ligawan ko rin siya ka­hit niligawan siya ng ka­ibi­gan ko noon? Sana, ma­pa­yuhan ninyo ako. Sa­lamat! — Paolo

Paolo,

Alam mo, bro, siguro na­iisip mo ang magiging re­aksiyon ng babaeng natitipu­han mo kapag nalaman niya na kaibigan ng binasted niya ang bagong manliligaw niya. Ang maipapayo namin sa iyo ay ligawan mo siya kung ‘yun talaga ang gusto mong gawin. Kahit papaano na­man siguro, eh, matured na kayo kung saan hindi na niya bibigyan ng negatibong interpretasiyon ang panlili­gaw ng kaibigan mo noon sa kan­ya, gayundin hindi na­man naging sila. Kung ano ang sinasabi ng puso mo, ‘yun ang sundin mo. Kaya mo ‘yan! Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page