Bigtime pusher dedo sa shootout
Pabs Hernandez III
Mar 21, 2019
1 min read
NEGROS OCCIDENTAL—Isang bigtime drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Talisay City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Rusty Constantino, residente ng Bgy. Banago, Bacolod City.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Constantino sa drug-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments