2 tokhang surrenderee, timbog sa P100-k shabu

KALABOSO ang dalawang tokhang surrenderee sa isang buy-bust operation na inilatag ng Gen Trias Police sa pangunguna ni Police Supt. Paul Bometivo at nakuhanan ang mga ito ng may P100,000 halaga ng shabu kahapon ng madaling-araw sa Bgy. Sta. Clara sa nasabing lungsod.
Kinilala ang mga suspek na sina Resty Garganera alyas Resty at Gil Paldez, kapwa tokhang surrenderee na residente ng nasabing lugar.
Sa panayam kay Col. Bometivo, alas-2:00 ng madaling-araw nang ikasa ang buy-bust laban sa mga suspek matapos ang ilang araw na surveillance sa mga ito.
Nakuha sa mga suspek ang may 15 sachets na naglalaman ng mahigit 15.8 grams ng shabu na tinatayang aabot sa P100,000 at buy-bust money.
Samantala, ang mga suspek ay kapwa natokhang na at paulit-ulit nang nasasangkot sa droga.





Comments