10,000 huli sa ‘Yellow lane policy’ — MMDA

NAHULI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasa mahigit 10,000 traffic violators na lumabag sa “yellow lane policy” sa pamamagitan ng non-contract apprehension .
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Czar ‘Bong’ Nebrija, may average na 2,000 traffic violators sa EDSA ang kanilang nahuhuli kada araw.
Ang 70 porsiyento dito ay mga pribadong motorista na madalas na lumalabag sa yellow lane policy.
Ani Nebrija, pinaigting din nila ang “physical apprehension”.
“Nag-intensify na kami ng apprehension of the yellow lane policy on the ground and naglagay kami ng corral at ‘yung traffic enforcers ay ginawa na ring human barriers kasi ang dami-dami pa rin ang violators sa policy,” ayon pa kay Nebrija.





Comments