top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

1,000 bahay natupok

V. Reyes
Mar 21, 2019
1 min read

AABOT sa 1,000 bahay ang natupok nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Batay sa paunang impormasyon sa Quezon City Fire Bureau, nagsimula ang sunog pasado ala-1:30 ng hapon kung saan nasa mahigit isanlibong informal settlers ang nawalan ng bahay sa Block 5, Bgy. Damayang Lagi sa E. Rodriguez sa nasabing lungsod.

Umabot ng General Alarm ang sunog para masigurong mapakikilos ang lahat ng firetrucks sa Metro Manila.

Sinasabing mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga naapektuhang bahay.

Inaalam na ang pinagmulan ng apoy at ang kabuuang halaga ng naging pinsala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page