top of page
Pokwang.jpg

'Pinas 'pag nalubog sa utang, malamang maging probinsiya ng China

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2019
2 min read

P-DUTERTE, WALANG LUSOT SA ICC—Matapos sampahan ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa madugong ‘drug war’ ng gobyerno na ikinasawi umano ng libu-libong Pinoy ay nagpasya si P-Duterte na pakalasin ang Pili­pinas sa ICC upang makaiwas siya sa pag­lilitis, pero ang masak­lap, ayon kay ICC Prosecutor Fatou Bensouda ay tuloy pa rin ang gagawin nilang pag­lilitis dahil nang sam­pahan daw ito (P-Du­terte) ng kaso noon ay nakapaloob pa sa ICC ang Pilipinas.

‘Ika nga, walang lusot si P-Duterte sa ICC at marahil, ‘yan ang dahilan kaya sumama ang pakiramdam ng pangulo kaya hindi na naman siya napagkikita ng publiko, boom!

◘◘◘

BAKA DUMA­TING ANG PANA­HON, KUNIN NA NG CHINA ANG PILIPI­NAS? — Kapag umutang ka sa bangko ng pampagawa ng bahay ay malaki ang interest niyan at ang kolateral ay titulo ng iyong lupa at ang nakasaad sa kasunduan, kapag hindi ka naka­pagbayad sa takdang panahon, ang ipinagawa mong bahay ay iilitin o kukunin ng bangko.

Kaya ang napaka­laking halaga na inutang ni P-Duterte sa China ay nakababahala, lalo na at ayaw ilantad ng gobyerno sa publiko ang laman ng kasunduan kasi baka kapag hindi naka­pagbayad sa takdang panahon ang Duterte gov’t. ay magulat na lang tayong lahat na kukunin na ng China ang Pilipinas at gawin itong probinsiya ng bansa nila, hu-hu-hu!

◘◘◘

DAPAT JAPAN ANG GUMAWA NG KALIWA DAM, HIN­DI ANG CHINA—Isa sa mainit na isyu nga­yon ay ang pagkansela ni P-Du­terte sa Japan funded-Kaliwa Dam at ang proyektong ito ay ibinigay niya sa China.

Ang Japan ay isa sa mga bansa na kapag gumawa ng proyekto ay pulido at ang China naman ay kilalang bansa na kapag gumawa ng proyekto ay dispaling­hado at patunay d’yan ay ang ginawa nilang Ban­qiao Dam sa mismong bansa nila ay gumuho noong 1975 na nagdulot upang ­ma­ma­tay sa lunod ang 230,000 Chinese.

Kaya P-Duterte, isip-isip din ‘pag may time, huwag ka naman masyadong magpaka-China kasi dam ang proyektong ‘yan na kapag gumuho, pani­guradong malaking trahedya, period!

◘◘◘

CELEBRITY, KAPAG LAOS NA SA SHOWBIZ, PAPA­SOK SA PO­LITIKA PARA ‘MANGULIM­BAT’ SA KABAN NG BAYAN—Sinuspinde ng Sandiganbayan si Quezon City Councilor Roderick Paulate dahil sa kasong graft.

‘Yan ang bad sa ilang celebrity, kapag laos na sa showbiz, pumapasok sa politika para magna­kaw sa kaban ng bayan, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page