top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Paglalagay ng impormasyon ng licensed Chemical Engineer sa dokumentong walang kaugnayan sa kanyang p

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 20, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Ako ay lisensiyadong Chemical Engineer at nais kong malaman kung kinakailangan ko pa bang ilagay ang mga impormasyon tungkol sa aking propesyon sa dokumentong lalagdaan ko na may kinalaman sa pagbili ko ng bahay? — DJ

Dear DJ,

Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 32 ng Republic Act No. 10754 o mas kilala bilang “Chemical Engineering Law of 2004” na:

“Section 32. Indication of License Number and Privilege Tax Receipt Payment. – The chemical engineer shall be required to indicate his Certificate of Registration, Professional Identification Card Number, Date of Issuance and the duration of validity, including the Privilege Tax Receipt (PTR) on the documents he signs, uses or issues in connection with the practice of his profession.” (Binigyang-diin)

Ibig sabihin, kinakailangan lamang ninyong ilagay ang mga impormasyon na nabanggit sa probisyon ng batas para sa mga dokumentong inyong pipirmahan, gagamitin o ibibigay na may kaugnayan sa inyong propesyon. Sa inyong sitwasyon, ang pagbili ng bahay ay walang kaugnayan sa inyong propesyon kaya hindi na kinakaila­ngan pang ilagay ang mga impormasyon tungkol sa inyong propesyon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page