P110,000 PRIZE SA ALL WINNERS NG ADD ONE WIN

NAGLAAN ng P110,000 na premyo ang Philippine Racing Company Inc.(PRCI) sa Santa Ana Park para sa mananalong kabayo sa pagtikada ng Additional One Win in Group Races sa Naic, Cavite ngayong gabi.
Sa umpisa ng Winner-Take-All (WTA) sa Race 1, na paglalabanan ng 10 mananakbo sa pag-alagwa ng Group Race 11 at pinapaboran ang Jade’s Treasure at Artikulo Uno. Sa Race 2, magaganap ang 3 Year Old Group Race (6) na paglalabanan ng anim na kalahok pinapaboran ang Joyous Solution, Big Hook, The Accountant at Oktubre Katorse.
Ipinapatok ang Valley Cat sa Race 3 na umpisa ng Pick 5 habang ang kalahok na couple entry na Polloc Island at Samal Island at Iron Hook ang posibleng tumalo. Sa Race 4, ipinapatok ang Great Britain at Courageous, habang binibigyan ng panalo ang Morning Breeze. Anim na kalahok sa Group Race (8) sa pagtikada ng Race 5, na pinapaboran na mananalo ang Hidden Eagle habang ang mga Strawberry Dawn, Zapima at Fire Council ang magsisilbing kalaban.
Sa Race 6, nakalalamang ang couple entry na Ok Mister Bond at Warrior Baby at posibleng ang Jontu at Iron Curtain. Habang sa Race 7, magiging parating ang Gensan Special, Buenos Aires, Always on Time, Smart Tyler, Big Big Brown at Vera Cruz sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Super Six. Tip ni Mang Ding- Race 1-Jade’s Treasure (2) Artikulo Uno (10) Race 2- Joyous Solution (3) The Accountant (4) Race 3-Valley Cat (5) Iron Hook(3) Race 4- Morning Breeze (7) River Mist (8) Race 5- Hidden Eagle (6) Strawberry Dawn(1) Race 6- Entry No.1 Iron Curtain (2) Race 7- Smart Tyler (7) Entry No.8 Gensan Special (3)





Comments