Nasapol ng motor | 78-ANYOS DEDBOL SA COED

PATAY ang 78-anyos na lolo matapos salpukin ng motorsiklo na nawalan ng kontrol kahapon ng madaling-araw sa Bacoor, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Jesus Feliciano, 78, vendor, residente ng Bgy. Kaingin.
Ginagamot naman ang estudyanteng driver ng motor na si Kelvin de Jesus, 24, college student, residente ng Parañaque City.
Sa imbestigasyon ni PO3 Alih Rimbang, alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente.
Lumabas ng bahay ang matanda upang magtapon ng basura sa garbage bin sa kanilang sidewalk nang bigla itong tumbukin ng motor na minamaneho ng nasabing estudyante.
Nabatid na may kabilisan umano ang takbo ng suspek.
Kapwa itinakbo sa pagamutan ang mga ito subalit, idineklarang dead-on-arrival ang matanda.





Comments