MRT, 1 week walang biyahe

ISANG linggong magsasara ang Metro Rail Transit (MRT) sa Semana Santa.
Sa abiso ng MRT, ang kanilang taunang maintenance shutdown ay mula sa Abril 15 hanggang 21.
Ang pagsasara ng MRT ay mula Holy Monday hanggang Easter Sunday.
Mas mahaba ito kaysa dati na limang araw lang nagsasara ng operasyon ang MRT.
“Maintenance works that will be done during the one week suspension of revenue operations include rail grinding, rail cascading, replacement of turnouts, structural testing and other general maintenance activities on our trains, electrical systems and other MRT-3 subsystems,” pahayag ng MRT sa kanilang Tweet.
Muli namang magbabalik ang operasyon ng MRT sa Abril 22.





Comments