Miyembro ng Fajardo drug group, utas sa pulis

PATAY sa kapulisan ang umano’y isa sa mga miyembro ng Fajardo Drug Group matapos umanong makipagbarilan sa Bgy. Mabacan, Calauan City, Laguna.
Ala-1:40 ng madaling-araw nang ikinasa ang buy-bust operation laban sa suspek na si Arwin Ortiaga at isang hindi pa nakikilalang kasamahan nito.
Aktuwal umano nilang ibinigay ang P5,000 marked money upang makabili ng limang bulto ng shabu.
Nakahalata umano ang dalawa na police asset ang kanilang kausap kaya agad na pinaputukan ang pulis na nauwi sa engkuwentro.
Hanggang sa bumagsak ang suspek habang nakatakas naman ang kasamahan nito sakay ng motorsiklo.
Narekober sa crime scene ang 50 gramo ng sinasabing shabu na nagkakahalagang P350,000.
Ang suspek umano ang pinagkakatiwalaan ng grupo na taga-supply ng droga sa kanilang mga parukyano.





Comments