top of page

May bagsak, takot ‘di maka-graduate | GRADE 10 NAGBIGTI SA FLAGPOLE, PATAY

  • Jeff Tumbado
  • Mar 20, 2019
  • 1 min read

WALA ng buhay nang matagpuan ang isang es­tudyante habang nasa flag­pole ng paaralan sa Bgy. Tumpagon sa Caga­yan de Oro City.

Kinilala ang mag-aaral na si Carleo Kenny Joy Mang­consay, 22, Grade 10 ng Tumpagon National High School.

Sa panayam kay PO3 Francis Marianas, nagpahi­watig na si Mangconsay sa plano nitong pagpapaka­matay kung saan tinanong umano nito ang mga kaklase kung ano ang magiging re­aksiyon ng kanilang guro kapag siya ay nagpatiwakal sa flagpole.

Sinasabing bago ang in­sidente, nalaman umano ng biktima na may bagsak si­yang grado at natakot na hin­di makapagtapos.

Gayunman, nagpapa­tuloy ang imbestigasyon para alamin ang tunay na motibo ng biktima sa pagpa­pakamatay.

Batay sa pagsusuri ng pulisya, wala namang foul play na nakita sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page