top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

KYUSI AT KNIGHTS, PASOK NA SA FINAL 4 NG MPBL DATU CUP

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2019
2 min read

KINUMPLETO ng Quezon City at San Juan ang pagwalis sa kani-kanilang mga karibal noong Lunes ng hatinggabi at maitakda ang Final Four showdown sa Northern Division ng MPBL Datu Cup sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Ang pahabol na pag-iinit ng laro ni Andoy Estrella para sa Capitals ang nagtarak ng 15 niya sa marka pagsapit ng 4th period at iangat ang Capitals sa 77-74 win kontra Makati Super Crunch at tuluyang sumampa sa semifinal round ng pahirapang Northern Division ng torneo.

Nasa ranked 7th na bago ang playoffs, ang Capitals ang unang team na umabante sa semifinals ng Northern Division kung saan haharapin nila ang isa pang bigating squad na Knights, na nagwagi sa 75-69 kontra Navotas Clutch.

Nakakagulat din ang pagpasok ng Quezon City sa playoffs. Napigilan ng Capitals ang 15-game winning run ng Makati sa simula ng playoffs at nasundan pa ng isa pang panalo kaya impresibo sila sa pagtatapos ng serye.

Ang maliliit na line-up ng Capitals ang gumiba sa depensa ng Super Crunch na hindi naging epektibo ang paggamit sa mas matatangkad nilang players.

Pinangunahan ng Quezon City sa pamu­muno ni Estrella ang panalo. Ang tres ni Estrella sa huling 2:38 minuto ng 4th quarter ang nagpalamang sa Capitals, 71-61 na dating hindi nagagawa sa elimination round pero nakagawa ng pinakamalaking pagresbak sa torneo. Nanatiling kampante ang San Juan sa gitna ng pagpapakabog ng Navotas Clutch bago nakuha ang tagumpay.

Pero kailangang huminga ng malalim ng Knights sa huling ilang segundo ng laro nang makanakaw ng bola si Donald Gumaru ng Clutch at dikitan ang iskor ng Knights. Pero nagkamali ang two-way guard sa pagpasa kay Samboy de Leon, kaya nakalusot sa panalo ang Knights. Sinelyuhan ni John Wilson ng pagwawagi ang Knights sa bisa ng dalawang free throws sa huling 33 segundo ng final tally. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page