Implementasyon ng doble-plaka sa motorsiklo, tutukan
- BULGAR

- Mar 20, 2019
- 1 min read

MATAPOS maaprubahan ang kontrobersiyal na doble-plaka sa motorsiklo, humarap sa konsultasyon ng Senado ang grupo ng motorcycle riders sa bansa.
Kaugnay ito sa magiging implementasyon ng double plate sa mga motor na inalmahan ng mga rider.
Lumabas sa nasabing konsultasyon na delikado ang size ng metal plate na ilalagay sa harap ng motorsiklo.
Mismong ang mga motorcycle manufacturer ang nagsabi na hindi angkop ang napakalaking plaka sa mga motorsiklo at maaaring malagay sa panganib ang mga rider.
Gayundin, sa likod ng motor na maaaring mapunit at matakpan ang ilang safety sign ng motor.
Kaya nakahinga ng maluwag ang mga rider nang sabihin ni LTO Chief Asec. Edgar Galvante na hindi metal plate ang kanilang gagawing proposal na plaka sa harap ng motor.
Welcome rin umano ang magiging suggestions ng mga rider sa kanilang isinagawang implementing rules and regulations (IRR) para sa pagpapatupad ng RA 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act.
Samantala, hindi pa magiging epektibo ang batas hangga’t hindi pa opisyal na nailalabas ang IRR.
Ito ang patunay na bilang mamamayan, may mga karapatan at tungkulin tayo sa mga ipinatutupad na batas.
Karapatan nating makialam at tungkulin nating sumunod.
Sa huli, iisa ang dapat na manaig, ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.





Comments