Hirit sa Senado | METAL PLATE SA HARAP NG MOTOR, DELIKADO
- Lourdes Abenales
- Mar 20, 2019
- 1 min read

NAGSAGAWA ng konsultasyon ang Senado at ang mga grupo ng motorcycle rider sa bansa kaugnay sa magiging implementasyon ng double plate sa mga motorsiklo.
Pinangunahan ni Senador JV Ejercito, chairman ng Senate Committee on Public Services.
Lumabas sa konsultasyon na hindi ligtas ang size ng metal plate na ilalagay sa harap ng motorsiklo na posibleng malagay pa sa panganib ang mga rider.
Tinutulan naman ng mga rider na lagyan ng napakalaking metal plates ang mga motorsiklo tulad nina Jobert Bolanod ng riders of the Philippines, Edwin Cua ng Luzon Motorcyclist Federation David Medrana ng Angkas at ang mga motorcycle manufacturer na dumalo sa konsultasyon.
Inamin naman ng mga motorcycle manufacturer na hindi angkop ang napakalaking plaka na ilagay sa mga motorsiklo na maaaring malagay sa panganib ang mga rider.
Sinabi rin ng mga manufacturer na maging sa likod ng motor ay hindi rin angkop ang size ng metal plate na maaaring mapunit at matatakpan ang ilang safety sign ng motorsiklo.
Nakahinga nang maluwag ang mga rider nang sabihin ni Asec. Edgar Galvante na hindi metal plate ang kanilang gagawing proposal na plaka sa harap ng motor.
Sinabi pa ni Galvante na welcome sa kanya ang magiging mungkahi ng mga rider sa kanilang isinagawang IRR para sa pagpapatupad ng RA 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act.





Comments