top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hamon sa COA: Mga original na utak ng paglustay sa road users tax, ibulgar!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 20, 2019
  • 1 min read

BINUWAG na ni P-Digong ang Road Board.

Sobrang laki ng tama mo!

◘◘◘

ALAM ba ninyong road users tax ang unang dinambong gamit ang “Napoles scheme”?

Naganap ito sa Kyusi!

◘◘◘

DAPAT ibunyag ng COA kung sinu-sino ang orihinal na utak ng paglustay sa road users tax.

May ulat na tala­mak ito kung saan sinasabing “lumitaw din ang pangalan ni Napoles!

◘◘◘

MATAGAL na ang iskema ng pork barrel.

Pero, nakikiparte lang ang lawmakers sa mga kontratista.

Meaning, may project, pero overpriced!

◘◘◘

MAS grabe ang paglustay sa road users tax.

May nagsasabi na karaniwang ghost proj­ects, as in, walang proyekto.

Pero, walang nagbu­bun­yag!

◘◘◘

TOTOO kayang naka-graduate na si Napoles sa road users tax bago pinasok ang pork barrel ng mga mambabatas?

‘Yan ay “alamat” na tanging ang Ibong Adarna lang ang nakaaalam!

◘◘◘

NGAYONG binu­wag na ang Road Board, dapat nang simulan ang pagbu­bunyag sa mga doku­mento kung sinu-sino ang sangkot sa pag­lustay nito.

Dapat ibunyag ng COA ang iskema ng korupsiyon dito.

Ito ay kung hindi kakutsaba ang mga auditor!

◘◘◘

IPADE-DEPORT ng Malacañang ang mga abogado ng ICC.

Dapat lang!

◘◘◘

IBABABA raw ng Manila Water ang singil sa mga subscriber nilang walang naku­kuhang tubig sa kanilang gripo.

Isang malaking kata­rantaduhan.

Bakit naniningil sa “serbisyo” na hindi naibigay?

◘◘◘

DAPAT magsagawa ng malawakang protesta ang mga water subscriber.

D’yan dapat gina­gamit ang people power, depensa sa sikmura at lala­munan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page