top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

DEROZAN AT ALDRIDGE, MAINIT ANG LARO SA SPURS, WARRIORS PINASUKO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2019
1 min read

HUMALIBAS si DeMar DeRo­zan ng 26 puntos habang dumagdag ng 23 puntos si LaMarcus Aldridge, may 13 rebounds nang tustahin ng pinaka­mainit na NBA team sa ngayon na San Antonio Spurs sa bisa ng 111-105 victory ang bisitang Golden State Warriors sa NBA game kahapon at sungkitin ang ika-9 na sunod na panalo.

Ang panalo ay ika-11th straight ng San Antonio sa sariling balwarte at garantisado na sa Spurs ang (42-29) na NBA-record 22nd consecutive winning season.

Apat na puntos ang kalamangan ng San Antonio bago ang final quarter at hindi nagpahuli sa papakulapsong 12 minuto, nagpakawala pa ng 9 puntos bentahe na hindi magawang malusutan ng Warriors.

Samantala sa iba pang laro, alamat nang maituturing si Dirk Nowitzki sa naging laro niya kahapon, pero nabigo ang kanyang teammates na isabay ito sa kanilang pagdiriwang, nasayang ang four-point lead sa final 19.1 segundo sa regulation dahil nakaa­lag­wa pa ang New Orleans Pelicans sa 129-125 overtime victory.

Nakapagtarak si Nowitzki ng unang dalawang tirada sa bisa ng jumpers sa pagbubukas ng apat na minuto at lampasan ang record ni Wilt Chamberlain bilang NBA sixth-leading all-time scorer.

Tumapos si Dallas native Julius Randle ng game-high 30 points para sa New Orleans, habang nakapagtala si Elfrid Payton ng ika-5 sunod na triple-double sa bisa ng 19 points, ang 11 ay mula sa fourth quarter at overtime, 11 assists at 10 rebounds. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page