top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

47 kilos ng marijuana, nasabat

Jeff Tumbado
Mar 20, 2019
1 min read

NASAMSAM ng pulisya ang nasa 47 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang buy- bust operation sa Dasmariñas City, Cavite, Lunes ng gabi.

Kasabay ng operasyon ang pagkakadakip sa tatlong lalaking nagbenta ng iligal na droga na sina Felix Flores, 34; Rodel Dimaisip, 35, at Albert Mabini, 36.

Ayon kay Police Supt. Nerwin Ricohermoso, alas-8.30 ng gabi nang pangunahan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang operasyon laban sa tatlong lalaki sa Bgy. Salitran Tres.

Matapos magkaabutan sa transaksiyon, mabilis na kumilos ang nakakubling mga operatiba at dinakma ang mga suspek.

Bukod sa nakuhang plastic sachet, may nakuha pa sa dalang bag ng isa sa mga suspek na 47 piraso ng bloke ng pinatuyong dahon ng naturang droga na nagkakahalaga umano ng mahigit kalahating milyon.

Napag-alaman na ang tatlong suspek ay pawang mga bago lamang sa kalakaran ng droga sa kanilang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page