top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

TENORIO, ANG BAGONG PBA IRON MAN NILAMPASAN ANG RECORD NI PATRIMONIO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 19, 2019
1 min read

OPISYAL na talaga. Sa kabuuang 597 consecutive games na nilaro, natatangi ngayon si LA Tenorio na hinirang na ‘PBA’s one and only Iron Man.’

Naipatas ng Ginebra star ang record noong nakaraang linggo sa 596 at nitong Linggo sa 2019 PBA Philippine Cup, nawasak niya ang record ni Alvin Patrimonio na may pinakamaraming sunud-sunod na laro sa kasaysayan ng liga.

Nagawang malampasan ni Tenorio ang record sa Manila Clasico game habang si Patrimonio ay nasa kabilang bahagi ng court para sa Magnolia Hotshots.

Nag-usap pa ang dalawang alamat sa halftime ng liga matapos ang seremonya bilang parangal sa naging achievement ni Tenorio. “Actually, I tried my best to treat this game as a regular game, pero ang hirap eh. Ang hirap kasi ang daming nagre-remind sa ‘kin,” sabi ni LA.

“But first of all I want to thank my teammates for supporting me in this game, I asked them to win this game for me and talagang tinulungan nila ako, especially si Scottie (Thompson),” dagdag niya.

Ngayong hawak na niya ang record at wala pang ibang humahamon sa puwesto niya. Nais pa rin daw ni Tenorio na maglaro.

Wala pa raw siyang balak magpahinga at ayaw pa niyang tumigil. Pakay pa ng Ginebra star ang sumabak sa 700 games at makapagwagi pa.

“Wala pa, wala pang balak kaya pa eh,” saad ni Tenorio. “Wala akong balak mag­pahinga right after this, kaya pa. Hang­gang kaya ko ma­ka-compete, I’ll do it,” dag­dag niya. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page