Rider dedbol sa tricycle
CAMARINES SUR—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng tricycle ang kinalululanan nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Kinalangan, Del Gallego sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Miko Baylon, nakatira sa Bgy. Manasalaya sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng tricycle na minamaneho ni Gerwil Tesado kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Baylon.
Dinala ng mga saksi si Baylon sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Tesado.





Comments