top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pulis niratrat ng 3, utas

Jeff Tumbado
Mar 19, 2019
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa tukoy na mga salarin ang isang pulis sa Bgy. Marifosque, Pilar, Sorsogon kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si SPO3 Juje Razo, 52, nakatalaga sa Pilar Municipal Police Station.

Ayon kay Chief Inspector Malou Calubaquib, alas-7:30 ng umaga nang pagbabarilin ng tatlong lalaki si Razo habang nakasakay ito sa motorsiklo at binabagtas ang nabanggit na lugar.

Tadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging resulta ng kanyang pagkamatay.

Pinaniniwalaan namang long firearms ang ginamit sa pagpatay sa biktima na pinagplanuhang mabuti. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page