Pagsabog sa bahay, 2 lasog

NAGKAPIRA-PIRASO ang katawan ng dalawang hindi pa nakikilalang biktima matapos sumabog sa bahay nito ang hindi pa matukoy na bomba sa Madison Garden Subd., Bgy. San Roque, Sto. Tomas, Batangas.
Pasado alas-11:00 ng umaga nang makarinig ng malakas na pagsabog ang mga residente sa lugar na nagmula sa nasabing subdivision.
Mabilis na tinungo ng mga awtoridad ang dulong bahagi ng subdivision kung saan nagmula ang pagsabog.
Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang inaalam pa ang bilang ng mga nasugatan.
Pawang may kalumaan na ang ilang kabahayan at posibleng mga nagtatrabaho ang mga biktima roon. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.





Comments