Mga "manok" ni Mayor Sara, sabit sa narco-list ng erpat, nakupo!

IPAKULONG DIN KAYA NI P-DUTERTE SI SGMA?—Sabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, puwede raw sampahan ng kaso si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa ginawa nitong pagpalsipika ngayong 2019 National Budget upang ang ilang bahagi ng pera ng bayan ay maging “pork barrel” ng mga kaalyado niyang kongresista.
Noong panahon ni ex-P-Noy, pinakasuhan at ipinakulong niya si SGMA dahil sa ginawa nitong katiwalian sa pera ng bayan kaya ang tanong: Pakasuhan at ipakulong din kaya ni P-Duterte si SGMA? Abangan!
◘◘◘
PALUSOT NG MALACAÑANG SA KAKAPUSAN NG SUPPLY NG TUBIG, MISMANAGEMENT DAW—Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala raw water shortage kundi kaya lang daw nawalan ng tubig sa Metro Manila ay dahil sa mismanagement ng MWSS.
Buti na lang, ibinulgar ni Angel Salazar na kaya lang nawalan ng tubig sa Metro Manila ay dahil sadyang ipinasara ng MWSS ang bypass ng La Mesa Dam para paboran ang kumpanya ng tubig kaya napaamin ang Malacañang na walang water shortage, pero ang masaklap, ang palusot naman ngayon ng Malacañang sa kakapusan ng supply ng tubig ay mismanagement daw, mga buwisit!
◘◘◘
MGA ‘MANOK’ NG HUGPONG NG PAGBABAGO (HNP), NARCO-POLITICIANS?— Ibinigay ng PDEA at PNP kay P-Duterte ang listahan ng mga kandidatong sangkot sa iligal na droga at ang ginawa ng pangulo ay idinaldal agad ito sa publiko, pero ang masaklap, ang ilan sa mga local politician na nasa drug list ay mga kandidato pala ni Presidential Daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Dahil diyan, malamang, masakit ang ulo ngayon si Mayor Sara kasi nabulgar na ang ilan pala sa mga “manok” niya sa local election ay mga narco-politician daw, ha-ha-ha!
◘◘◘
ILIGALISTANG SI ‘KIROS’ NG TARLAC, KAILAN IPATOTOKHANG NI COL. REBUA?—Namamayagpag na naman daw ang raket na drop balls at color games ni “Kiros” sa Tarlac.
Kailan kaya ipatotokhang ni Tarlac PNP Director Col. Jesus Rebua si “Kiros”? Abangan!





Comments