top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Babaeng hindi makasundo ang biyenan

ROMA AMOR
Mar 19, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Chariza, 36 years old. Matagal na akong nakikitira sa bahay ng biyenan ko dahil gusto ng asawa kong seaman na rito kami manirahan. ‘Yun nga lang, hindi talaga kami magkasundo ng biyenan ko. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan ako lulugar dahil palagi akong mali para sa kanya, gayundin maging ang diskarte ko sa pagpapalaki sa aking mga anak ay naaapektuhan na. Ano ang dapat kong gawin? — Chariza

Chariza,

Naku, girl, mahirap nga ang sitwasyon mo. Sa katunayan, maraming babae ang nakararanas din ng kalagayan mo dahil ‘ika nga ng iba, hindi puwede na dalawa ang maging reyna sa iisang tahanan. Kung gusto mo talagang masolusyunan ‘yan, sabihin mo sa asawa mo na kailangan na ninyong bumukod ng bahay dahil nahihirapan ka na. Gayunman, huwag kang mawalan ng pag-asa na magkakasundo rin kayong magbiyenan. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page