5K FUN RUN FOR PEACEFUL ELECTION SA MALOLOS CITY

INAASAHANG daan-daang kapulisan at atletang Bulakenyo ang lalahok sa limang kilometrong Fun Run for a Peaceful Election 2019 na magsisimula at magtatapos sa Malolos Sports Convention Center (MSCC) sa Malolos City, Bulacan sa Marso 30,2019.
Inorganisa ng Malolos City Police Station, tatahakin ng mga lalahok sa takbuhan ang kahabaan ng Mac-Arthur Highway na magsisimula sa MSCC na siyang sentrong venue ng mga sports events sa makasaysayang siyudad ng Malolos at layunin nitong magkaroon ng malinis at mapayapang eleksiyon sa darating na May elections.
Ang takbuhan ay mayroong P300 registration fee kasama na ang singlets, BIB number at snack at mayroon itong dalawang kategorya ng magwawagi sa takbuhan na inilaan para sa sibilyang mananakbo at unipormadong pulis na tatanggap ng cash prize para sa unang tatlong babae at lalaking tatawid ng meta.
Eksaktong ala-6:00 ng umaga ay pakakawalan ang mga runners at inaasahan ding lalahok sa fun run ang mga sundalo, estudyante at mga weekend warriors para suportahan ang takbuhang ito na ang pondong malilikom ay ilalaan para sa mga programa ng kapulisan ng Malolos City.
Sa mga interesadong runner, maaaring makipag-ugnayan sa Admin office ng Malolos City Police Station para sa karagdagang impormasyon.





Comments