5 tiklo sa baril at shabu

NASA P200,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa limang hinihinalang sangkot sa droga kabilang ang 17-anyos na batilyo na nasakote sa buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni District Special Operation Unit Head PCI Angelo Nicolas ang mga naarestong suspek na sina Emmanuel Magos alyas Tawe, 27; Reymar Velasco alyas Tano, 26, security guard; John Cedrick Largo, 18; Regie Cuevas, 18, at ang 17-anyos na banatilyo na pawang mga residente ng Bgy. NBBS.
Ayon kina PO1 Berzon Embile at PO1 Mark Jhovie Sales, alas-2:00 ng hapon nang ikasa ng mga operatiba ng NPD-DSOU sa pangunguna ni PCI Nicolas at Navotas Police sa ilalim ng pamumuno ni Sr. Supt. Rolando Balasabas ang buy-bust operation of illegal selling of firearm kontra sa mga suspek sa Anthorium St., Bgy. NBBS matapos ang higit isang linggong surveillance operation.
Matapos iabot ng mga suspek sa isang undercover police ang cal. 9mm revolver kapalit ng P6,000 marked money, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang buy-bust money at pitong sachets na naglalaman ng 54 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P200,000 street value ang halaga.
Ani PCI Nicolas, sina Magos at Velasco ay kapwa miyembro ng “Bandamme Armed Group” na sangkot sa drug peddling at Gun-for-Hire Syndicate na nag-o-operate sa CAMANAVA area.





Comments