top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

4 menor-de-edad, tiklo sa pandurukot

  • Mylene Alfonso
  • Mar 19, 2019
  • 1 min read

TIMBOG ang apat na menor-de-edad kabilang ang dalawang dalagita na pawang mga nasa edad 14 nang dukutan ang isang babae habang naglalakad, kamakalawa ng gabi sa Bgy. 308, Quiapo, Manila.

Alas-8:00 ng gabi, naglalakad ang biktima nang sabayan ng mga suspek.

Huli na nang mapansin ng biktima na nawawala ang kanyang cellphone at P500 sa kanyang backpack.

Agad siyang nagreklamo sa Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP) at sa tulong ng closed-circuit television (CCTV), nakilala ng mga awtoridad ang mga menor-de-edad.

Inaresto ang mga kabataan sa mismong lugar kung saan nila dinukutan ang biktima. Inamin naman ng mga kabataan ang pandurukot sa biktima at lahat sila ay pawang mga out-of-school youth, base sa records ng pulisya.

Nalaman na una na silang naaresto sa Sampaloc dahil sa kasong pandurukot pero, pinalaya rin.

Nabawi ng mga pulis ang cellphone matapos ituro ng suspek kung kanino nila ito ibinenta.

Habang itinurnover naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang apat na kabataan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page