‘Hired killer’ timbog sa boga
NUEVA ECIJA—Isang umano’y hired killer ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. Natividad South, Cabiao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Noverino Lugtu, umano’y miyembro ng “Aguinaldo Gun-For-Hire Syndicate” at residente ng naturang barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Lugtu at dito nakumpiska ang baril at mga bala.
Nakapiit na ang suspek at sinampahan na siya ng kasong illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments