Sintomas ng sakit sa gilagid
- BULGAR

- Mar 18, 2019
- 2 min read
Dear Doc. Shane,
Nitong mga nakaraan araw, napansin kong sa tuwing nagsesepilyo ako ay may kasamang pagdurugo sa aking gilagid. Ang ipinagtataka ko ay wala namang sira ang aking mga ngipin, gayundin, napapansin kong mayroong mabahong amoy ang aking hininga. Gusto kong malaman kung mayroon ba akong dapat inumin para rito? — Abbrea
Sagot
Hindi alam ng karamihan na sila ay may sakit sa gilagid. Ito ang dahilan kaya mahalagang regular na magpatingin sa dentista para sa mga paglilinis at check-up.
Narito ang ilang mga sintomas ng sakit sa gilagid:
Ang mga gilagid na mapula o namamaga o nagdurugo kapag nagsepilyo o nag-floss. Ang mga ito ang unang anyo ng sakit sa gilagid na tinatawag na gingivitis. Karaniwang nagagamot ang mga ito sa pamamagitan ng mahusay na pag-aalaga ng bibig.
Pananakit ng ngipin o pagiging sensitibo ng mga ito.
Ang mga gilagid na umurong palayo sa mga ngipin na ginagawang sensitibo sa init o lamig ng mga pagkain o inumin.
Hindi nawawalang mabahong hininga.
Ang pang-adultong ngipin ay maluwang o nagkakaroon ng mga puwang; ang pagbabago ng pagkakaakma ng iyong ngipin kapag kumakagat. Ito ang pinakamalubhang uri ng sakit sa gilagid na tinatawag na periodontitis.
Mga katotohanan tungkol sa sakit sa gilagid:
Ang sakit sa gilagid ay isang impeksiyon na maaaring makaapekto sa gilagid at sa pumapalibot na buto.
Nagsisimula ang sakit sa gilagid kapag ang mga mikrobyo sa plaque ay nagiging sanhi ng pamumula at pamamaga at minsan ay pagdurugo ng gilagid.
Maaari kang makatulong na maiwasan ang sakit sa gilagid sa pamamagitan ng pagsesepilyo at pag-floss ng dalawang beses sa isang araw.
Hindi alam ng karamihan na sila ay may sakit sa gilagid. Kaya mahalagang bumisita ng regular sa dentista.
Narito ang ilang tips upang makatulong na maiwasan ang sakit sa gilagid:
Sepilyuhin ang mga ngipin at gilagid.
Mag-floss sa pagitan ng mga ngipin. Pagtuunan ng pansin ang likuran ng mga ngipin. Marahil, mas marami itong plaque dahil mahirap maabot ang mga ito.
Baguhin ang toothbrush tuwing 3 buwan. Ang mga bristle o bahaging pang-iskoba ng sepilyo na luma ay mas kaunting plaque ang naaalis.
Kung nagdurugo ang mga gilagid, huwag ihinto ang pagsesepilyo at pag-floss.
Gumamit ng sepilyo na may malambot na bristle upang hindi masaktan ang mga gilagid. Magpatingin sa dentista kung magpatuloy ang pagdurugo.
Gawing regular ang pagpunta sa dentista (tuwing ika-6 buwan) para sa mga pagpapalinis (oral prophylaxis) at check-up.
Sabihin sa dentista kung ikaw ay buntis o may diabetes. Ang mga kondisyong ito ay nagpapahirap pa lalo sa katawan na labanan ang sakit sa gilagid.
Madalas na suriin ang gilagid sa salamin. Tingnan kung may mga pagbabago sa kulay o hitsura.




Comments