top of page
Pokwang.jpg

Mga pangalan ng 2 sikat na artista na suki ng droga, kailan ilalabas?!

Ryan B. Sison
Mar 18, 2019
2 min read

MATATANDAANG, nito lamang ay may napatay na bigtime party drug dealer kung saan nabuking ang mga kliyente nito na kina­bi­bi­langan ng mga estudyante at dalawang sikat na artista, babae at lalaki na um-order pa uma­no ng 200 ecstasies.

Base sa imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mino-monitor nila ang nasabing drug dealer nang bigla uma­nong may nag-text dito kung saan nabuking ang mga suki nito.

Gayunman, ayon kay PDEA Special En­forcement Services (SES) Acting Director Levi Ortiz, hindi pa umano mapapangalanan ang mga ito dahil kasalukuyan pang ginagawa ang imbestigasyon at hindi rin sila sigurado kung totoo ba ito o gumamit lang ng alyas si Steve Pasion, ang drug dealer.

Samantala, hindi na nakapagtataka na may mga celebrity na masasangkot sa iligal na droga dahil tulad ng mga pulitiko ay maka­pangyarihan at mapera rin sila.

Pero, hindi porke may kakayahan silang protektahan ang kanilang mga pangalan ay hanggang du’n na lang ito, lalo na kung ma­patutunayan na guilty sila sa nasabing kri­men.

Ito ang nakaiinis sa Pilipinas, ‘yung tipong kapag ordinaryong tao, eh, tumba agad tapos ‘yung iba, tinataniman pa ng iligal na droga at sasabihing nanlaban para mapatay, pero ‘yung mga prominenteng tao kahit huling-huli na sa akto, protektadung-protektado pa rin! Nasa­an ang hustisya?!

Kaya naman, ang panawagan natin sa PDEA, bilisan ang imbestigasyon nang sa gayun ay hindi ito mapaglipasan ng panahon dahil tiyak na mababaon lang ito sa limot ‘pag nag­kataon.

Ang tanong, kumusta na nga ba ang pag­tukoy sa mga celebrity na isinasangkot sa ili­gal na droga?

Bakit walang nabu-BULGAR na narco-celebrities? Hmmm…

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page