MAINIT NA BAKBAKAN SA TRACK OVAL, START NA SA BP LUZON LEG
- Clyde Mariano/ATD
- Mar 18, 2019
- 2 min read

ILAGAN, Isabela—Umpisa na nang mainit na labanan sa track oval tampok sa Batang Pinoy Luzon leg na full blast sa 19 playing venues at ang Ilagan Sports Complex ang magsisilbing main hub sa weeklong sports competition.
Ang mga finals na paglalabanan ay long jump (boys, girls), discuss (boys, girls), 100m hurdles (girls), 110m hurdles (boys), 1500m (boys, girls) at 100m (boys, girls). Ang 10 ay kasama sa 37 finals sa athletics. May 4,644 athletes ang maglalaban sa 20 sports kasama ang medal rich athletics at swimming at ang mga medalists ay lalahok sa grand finals na gagawin sa Bohol kasama ang qualifiers sa Mindanao at Visayas.
Ang 4,644 ay kabilang sa 6,000 delegation athletes galing sa 119 Local Governments units sa pitong rehiyon kasama ang Region 2 na kinabibilangan ng limang lalawigan, ang Ilagan City. Nagpalabas ang PSC ng P25-M para masiguro ang tagumpay ng Luzon leg matapos ang Mindanao mula sa Tagum, Davao del Norte at Visayas leg sa Iloilo at ang lahat ng medalists ay maglalaban sa grand finals sa Tagbilaran, Bohol.
Hindi lang sa mga nananalo, umaasa si Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez may mga bagong records na maitatala lalo na sa athletics na pangangasiwaan ng PATAFA at swimming.
“With the big number of participants as well as the quality of competition, hopefully many young potentials will surface,” sabi ni Ramirez. “Batang Pinoy is truly a source of national pride and a breeding ground of future athletes. Many young promising athletes, for sure, will surface like in Mindanao and Visayas.
We have many talents in the countryside, and through Batang Pinoy, we will tap and discover their potentials,” sabi ni chairperson PSC Commissioner Dr. Celia Kiram Kiram na pinamunuan ang delegation na sumali sa Children for Asia Sports competition na ginawa sa Russia.





Comments