top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mag-inang tulak, kulong

  • Levi Gonzales
  • Mar 18, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang mag-inang tulak ng droga makaraan ang ikinasang buy-bust operation sa Bgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas.

Gumamit ng confidential agent ang kapulisan upang makabili ng ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu mula sa mga suspek na sina Lhester Salazar, 22, at Marilou Salazar, 56.

Nagpositibo umano ang dalawa nang iabot nila ang markadong perang ebidensiya kapalit ng biniling iligal na droga.

Agad silang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page