Ibinulgar, narco-list ni P-Duterte wa' epek dahil walang ebidensiya!

MGA PINANGALANANG ‘NARCO-POLITICIAN’, HINDI SASAMPAHAN NG CRIMINAL CASE KASI WALA RAW EBIDENSIYA—Matapos pangalanan ni P-Duterte ang mga tinagurian niyang “narco-politician” ay sinabi ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac na wala raw silang planong sampahan ng criminal case ang mga ito (narco-politician) kasi wala pa raw silang ebidensiya na sangkot ang mga pulitikong ito sa iligal na droga.
Hala, bakit pinangalanan ni P-Duterte ang mga kandidatong ‘yan na kesyo sangkot daw sa iligal na droga at sa panahon pa ng halalan sila pinangalanan, eh, wala pa naman palang hawak na matibay na ebidensiya ang PNP na sangkot nga sila sa droga? Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
NARCO-LIST LUMABAS NA, TUBIG SA GRIPO WALA PA?—Ang inaabangan ng mga apektadong residente ng Metro Manila ay ang gagawing anunsiyo ng Malacañang na tapos na ang “water shortage”, pero ang masaklap, nang humarap sa publiko si P-Duterte ay walang kaugnayan sa tubig ang inilahad nito sa taumbayan kundi ang tungkol sa mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.
Hay naku, mas una pang lumabas ang “narco-list” kaysa sa tubig sa gripo, buwisit!
◘◘◘
MGA RIDER, NAGSISISI NA SA PAGSUPORTA NOON KAY P-DUTERTE—Para sa mga rider, mapanganib sa kanila ang inaprubahang batas ni P-Duterte tungkol sa malalaking plaka na ilalagay sa harap at likod ng kanilang mga motorsiklo dahil maaari itong pagmulan ng aksidente.
Siguro, sising-sisi na ang mga rider sa ginawa nilang pagsuporta sa kandidatura ni P-Duterte, kasi hindi nila akalain na ang taong ibinoto nila noon para maging pangulo ay ito pa pala ang mag-aapruba ng batas na maglalagay sa panganib sa kanilang buhay, hays!
◘◘◘
HALOS LAHAT NG BARANGAY SA BATANGAS CITY, MAY VK SI ‘RICO’—Ang mga video karera raw ni “Rico” ay nagkalat na sa mga barangay ng Sta. Rita, Sta. Clara, Balete, Cuta, Calicanto at Kumintang Ibaba, pawang sa Batangas City.
Nang maupo noon bilang hepe ng Batangas City si Col. Sancho Celedio, ang sabi niya ay ayaw daw niyang may nanraraket sa kanyang nasasakupan, pero ngayon, nabulgar na marami palang salot na VK sa kanyang jurisdiction, buwisit!





Comments