Hirit ng Comelec | PAGLALABAS NG NARCO-LIST, ‘WAG NANG ULITIN
- Madel Moratillo
- Mar 18, 2019
- 1 min read

UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na hindi na mauulit ang pagsasapubliko ng pangalan ng mga suspected narco-politician na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinawag ni Comelec Spokesperson James Jimenez na unfair at nakasira lang umano ng pangalan at nakaapekto sa pamilya ng tao ang pagsasapubliko ng pangalan ng 46 na suspected narco-politicians lalo na kung napagbintangan lang at hindi totoo ang nasabing akusasyon.
Aniya, naging “trial-by-publicity” ang ginawa ng gobyerno kung hindi man lang kakasuhan ang mga ito.





Comments