Bagyong Chedeng nasa bansa na

PUMASOK na sa teritoryo ng Pilipinas ang tropical depression ‘Chedeng’ makaraang makatawid sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Linggo ng hapon.
Kasabay nito, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang bagyo sa katimugang bahagi ng Visayas habang kumikilos patungong Mindanao.
Sakaling magbago ng direksiyon ang bagyo patungong hilaga, maaaring maapektuhan ng malakas na pag-ulan ang katimugan ng Visayas.
Nagpalabas na ng babala ang PAGASA tungkol sa inaasahang masungit na karagatan na maaaring makaapekto sa maliliit na sasakyang-pandagat.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometro at huling namataan sa layong 980 kilometro ng silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 45 kilometro kada oras at pagbugsong 60 kilometro kada oras.
Inaasahan ang landfall ng bagyo sa silangang baybayin ng Davao Oriental ngayong umaga.
Magdadala ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Davao Oriental at Surigao del Sur hanggang Martes.





Comments