2 tulak timbog sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Mar 18, 2019
1 min read
DUMAGUETE CITY—Dalawang drug pushers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Cadawinonan sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Rafael Miranda at Erondel Tamaroy, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 35 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng pulisya sa naturang barangay.





Comments