top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Para makasabay sa modernization program | PAUTANG SA MGA DRIVER AT OPERATOR

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2019
1 min read

DAPAT bigyan ng ayuda ang mga tsuper at operator na apektado ng modernisasyon na idineklara ng gobyerno.

Ayon kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dapat silang mabigyan ng ‘assistance package’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong-pinansiyal tulad ng soft loan na ang termino ng pagbabayad ay sa magaang na pamamaraan tulad ng installment nang isang taon.

Dapat din aniyang bigyan ng trade-in option ang mga driver at operator nito upang mapakinabangan pa ang kanilang mga nalumang sasakyan.

Gayundin ang pangangailangan na matumbok ng modernization program ang dalawang problema sa transportasyon tulad ng pagpapalit ng mga lumang PUV at ang seguridad ng mga driver at operator.

Dapat umanong magkaroon na ng mga bago at eco-friendly na PUV na nakahanda na at maaari nang ipasada.

Matatandaang, naglaan ng P447 milyong budget ang gobyerno para maipatupad ang PUV modernization program at may plano pang itaas sa P2.2 bilyon para magkaroon ng low cost financing para matulungan ang mga PUV operator at driver.

Samantala, kung maipatutupad na ang programa, maaari nang makautang ang mga driver at operator sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page