top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Noon, uubusin daw ang droga, NFA ang nawala; ngayon, uubusin daw ang korup, tubig ang nawala, ngek!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2019
  • 2 min read

ANG PRAMIS, UUBUSIN ANG DRO­GA, PERO NFA RICE ANG NAUBOS; MA­WAWALA ANG KORUPSIYON, PERO TUBIG ANG NAWALA — Noon, sa pana­hon ng kampanya sa pagka-pangulo, ang pramis ni P-Duterte ay uubusin daw niya ang droga, pero ang masaklap, nang maupo ito sa poder, ang naubos ay NFA rice.

Ipinangako rin niyang mawawala na ang korupsiyon, pero ang nawala ay tubig.

Ganyan kasaklap ang nangyayari sa bansa sa ilalim ng Duterte gov’t., hu-hu-hu!

◘◘◘

MGA PULITIKONG ISINANGKOT SA ILIGAL NA DROGA, ‘IYAKAN’ — “Iyakan” ngayon ang mga tinaguriang “narco-politician” nang pangalanan sila ni P-Duterte.

May punto silang “maiyak” sa galit kasi panahon ng eleksiyon sila isinang­kot ni P-Duterte sa droga.

Dahil d’yan, mas lamang na ang talo nila sa eleksiyon kaysa sa panalo, mali­ban na lang kung may mga “bobotante” pa rin na magbibigay ng maraming boto sa tinaguriang “narco-politicians”, boom!

◘◘◘

SA P205 BILYON UTANG SA CHI­NA, MAHIGIT P40 BILYON ANG NA­PUNTA SA MGA CHINESE CONSUL­TANT, BUWISIT — Matindi ang ibinul­gar ni Senatorial candidate Neri Col­menares na sa P205 bilyon na inutang ng Pilipinas sa China para sa apat na China funded projects, ang mahigit P40 bilyon daw dito ay ibinayad ng Duterte gov’t. sa Chinese consultants.

Kung may katotohanan ito, aba, talung-talo ang Pilipinas d’yan kasi tu­tubo na ang China sa malaking interest sa utang tapos ang mahigit P40 bilyon dito ay ipinambayad pa sa mga Chinese consultant, buwisit!

◘◘◘

MGA PULIS-TULOG SA CAVITE — Sa isinagawang surprise inspection ni Cavite PNP Director Col. William Segun sa mga police station sa lalawigan ay limang pulis ang nahuli sa aktong na­tutulog.

Kapalmuks din naman ang mga pulis kasi mantakin ninyo, dinoble na ni P-Du­terte ang suweldo nila tapos ang ginagawa sa presinto ay matulog lang, mga pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page