top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

NAKABAWI RIN SA TITULO ANG HEAVY BOMBERS SA NCAA ATHLETICS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2019
1 min read

MATAGUMPAY na nabawi ng Jose Rizal Uni­versity ang titulo sa NC­AA athletics na kani­lang dinomina ng limang su­nod na taon mula 2010 at naganap ang pagbaba­lik ng Heavy Bombers sa po­­dium kasabay ng cen­tennial year ng paaralan.

Sa ekspertong gabay ni multi-titled coach Jojo Posadas katuwang sina as­sistant coach dating atleta Melbert Diones at Raul Abangon, impresi­bong tinalo ng mga JRU tracksters ang mga kala­ban at muling inangkin ang korona na kanilang hinawakan ng limang su­nod na taon mula 2010 sa ilalim ni Posadas kung saan itinanghal si Harry Mark Diones na 2-time MVP 2013-2014 bago nanalo ng ginto sa triple jump sa Southeast Asian Games at National Open Athletics.

“Walang kasing ta­mis dahil nabawi namin muli ang titulo sa taon na pinagdiriwang ng JRU ang 100 years anni­versary,” sabi ni Posadas sa panayam sa kanya ma­tapos makipagkita kay PSC assistant Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. dating POC sec­retary general Steve Hon­tiveros at bowling legend Bong Coo.

Sinabi ni Posadas na talagang pinaghandaan nila at determinado ang kanyang mga atleta na ba­wiin ang korona sa athle­tics at bigyang kulay ang 100 years founding anni­versary ng JRU. (C. M.)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page