top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga sabit sa narco-list ni P-Digong, nangangamba na sa kanilang buhay?! Hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2019
  • 2 min read

NANGAKO ang Manila Water na prayo­­ri­dad nila ang masup­layan ng tubig ang mga ospital at paara­lan para hindi maanta­la ang mga operasyon nito, pero daing ng ilang ospital, hindi pa rin sapat ang daloy ng tubig, partikular para sa mga pasyen­teng idinaraan sa hemodialysis. Malakas gumamit ng malinis na tubig ang mga maki­na ng dialysis. Kaila­ngang idaan sa pro­se­song reverse osmosis tulad ng mga ibinebentang tubig na maiinom para magamit sa hemodialysis. Kaya dapat may suplay ng sapat na tubig para sa prosesong ito.

Malaki ang epekto ng kakulangan ng supply ng tubig sa mga ospital at paara­lan, gayundin, sa mga negosyo, parti­ku­lar sa mga kainan. Paano makalilinis ng mga sangkap ng pag­kain kung walang malinis na tubig, ga­yundin, mahuhuga­san ang mga gamit na plato, baso at kub­yertos kung walang tubig? Kapag hinaya­ang maging marumi ang mga ito ay baka sakit ang mapala ng mga tao, gayundin, hindi pa natin pinag-uusapan ang sitwas­yon ng mga palikuran na kapag nagkataon ay talagang mas malaking problema.

◘◘◘

Inilabas na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kanyang pinakabagong lista­han ng mga puliti­kong sangkot umano sa iligal na droga. Ka­ra­mihan ay tuma­takbo para sa iba’t ibang posisyon nga­yong halalan. Kaya naman, natural lang na nagsimula na ang pagtanggi ng ilang sangkot umano sa iligal na droga. May­ro­ong ang sinisisi ay ang mga kalaban sa politika sa pagkaka­sama nila sa listahan. Kapag nasama sa listahan ang pulitiko, sa mga mata ng administrasyong ito ay may sala na agad.

Ang iba ay nanga­ngamba para sa kani­lang buhay, bakit hindi? Alam natin na may ilan na itinurong sangkot sa droga ang ‘pinatay’ na lang. Ang insidente ng pagpa­tay kay Rolando Espi­nosa, Sr. ay tiyak na nasa isip ng mga nasa listahan anuman ang gawing pagbibi­gay-proteksiyon ng PNP. Sino ang puma­tay kay Espinosa? Wa­lang iba kundi ang mga pulis din daw. Sa totoo lang, wala nang maga­gawa ang mga nasa listahan kundi sa korte na lang lumaban para mapatunayang wa­la talaga silang kinala­man sa iligal na droga, ‘yan na lamang ang kanilang magagawa sa kasalu­kuyang kalakaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page