Kontrobersiyal na takeover sa seagames, nabulgar

NAPAG-ALAMAN na may plano umanong takeover sina William ‘Butch’ Ramirez ng Philippine Sports Commission (PSC) at Prospero ‘Butch” Pichay ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).
Sinasabing nagsimula ito nang umano’y mailipat ang P5 bilyong budget sa PSC.
Matatandaang, nadawit si ‘Butch’ Ramirez sa umano’y maling paggamit ng pondo ng PSC habang si ‘Butch’ Pichay ay sinasabing gumamit umano ng pondo ng ibang organisasyon na umabot sa P1.5 milyon para sa kanyang chess tournament.
Kaugnay nito, nakababahala umano at maaaring hindi makatutulong sa takbo ng preparasyon ng SEA Games kung ang mga mamamahala ay may isyu sa pondo.





Comments