top of page

Karapatan ng asawang inabandona

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2019
  • 3 min read

ANG mga sumusunod na probisyon ay mga obligasyon ng bawat mag-asawa. Ito ay itinalaga ng batas na kanilang gagampanan sa sandaling kanilang ibigay ang kanilang pagsang-ayon na pumasok sa buhay-may asawa.

Art. 68. Husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support.

Art. 70. The spouses are jointly responsible for the support of the family. The expenses for such support and other conjugal obligations shall be paid from the community property and, in the absence thereof, from the income or fruits of their separate properties. In case of insufficiency or absence of said income or fruits, such obligations shall be satisfied from the separate properties.

Art. 71. The management of the household shall be the right and the duty of both spouses. The expenses for such management shall be paid in accordance with the provisions of Article 70.

Art. 72. When one of the spouses neglects his or her duties to the conjugal union or commits acts which tend to bring danger, dishonor or injury to the other or to the family, the aggrieved party may apply to the court for relief.”

Ito ang sinasabi ng Family Code of the Philippines tungkol sa karapatan at obligasyon ng mag-asawa sa isa’t isa at sa kanilang binuong pamilya. Obligasyon ng mag-asawa na magsama, magmahalan, magbigay-respeto, maging tapat sa isa’t isa, magtulungan, magsuportahan para sa ikabubuti ng bawat isa, pamilya at ng kanilang mga anak. Ang mga obligasyon at karapatang ito ay ang epekto ng kasal na nagbubuklod sa babae at lalaki na nagmamahalan.

Subalit, kapag hindi maiwasan na ang mag-asawa ay kinakailangang magkalayo nang dahil ang isa sa kanila ay kinakailangang magtrabaho sa ibang lugar. Pinahihintulutan ng batas na hindi magsama ang mag-asawa kung ang dahilan ay ang isa sa kanila ay magtatrabaho sa ibang lugar. Maliban sa dahilang ito ay obligasyon ng mag-asawa ang magsama sa kanilang itinalagang family home o conjugal dwelling.

Sa pagkakataon na ang isa sa mag-asawa ay inabandona ang pamilya hindi dahil sa dahilang kailangan niyang magtrabaho sa malayong lugar kundi ay umalis nang walang paalam at hindi na niya magampanan ang obligasyon na ito, nangangahulugan lamang na siya ay tumalikod na sa kanyang sinumpaang-tungkulin.

Ang sabi ng batas, kung ang asawa ay hindi na magampanan ang kanyang obligasyon sa conjugal union, ang asawang naagrabiyado ay maaaring pumunta sa hukuman upang makakuha ng kaluwagan (relief). Ang mga hakbang na maaaring gawin ay maghain ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage o Legal Separation sa ilalim ng Articles 36 at 55 ng Family Code kung saan isinasaad ang mga sumusunod:

“Art. 36. A marriage contracted by any party who, at the time of the celebration, was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage, shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization.

x x x

xxx

Art. 55. A petition for legal separation may be filed on any of the following grounds:

xxx

xxx

(10) Abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year.”

Magkaiba ang epekto ng mga nabanggit na hakbangin. Sa petition for legal separation, ang mag-asawa ay magbubukod lamang ng tirahan, pero hindi pa rin naipawawalambisa ang kasal kaya hindi sila maaaring magpakasal sa ibang tao. Samantala, sa petition for declaration of nullity of marriage, ang kasal ay naipapawalambisa at magbibigay ng karapatan sa mga dating mag-asawa na makapag-asawang muli.

Anumang hakbangin ang pipiliin ay kinakailangang kumonsulta sa abogado dahilan na rin sa mga implikasyong legal ng nasabing mga hakbangin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page